Kung kumuha kayo ng Permanent Insurance Policy, katulad ng College Education Plan o Saver's Protection Plus, ang mga plans po na ito ay may Maturity Benefit (equal to the Face Amount) pagdating ng maturity date. Meron din po itong 20% Cash Bonus pagdating ng 10th-14th year at may Policy Dividends din kada taon simula sa 4th policy anniversary.
Makukuha po ang mga living benefits na ito kung patuloy ang pagbayad ninyo ng monthly premiums. Kung na-pre-terminate po ninyo ang plan within two years, wala pong makukuha na cash benefits ayon sa policy contract. Tandaan din po natin na kung may nangyari sa inyo, ang Life Insurance Face Amount ng plans na ito ay mapupunta po sa inyong beneficiaries as death proceeds.
Comments
11 comments
Nakakadismaya computation nyo pag pina stop n plan
Life insurance policies po kasi meron ang AFPMBAI, hindi Capcon. Kung may mangyari po sa Policyholder kahit isang monthly premium pa ang nabayaran, buong Face Amount/Insurance Coverage po ang binibigay sa beneficiaries.
Sa car insurance po, kung walang nangyari sa kotse ninyo sa isang taon, hindi na po binabalik ang premiums kasi binayaran po kasi natin ang risk na may mangyari sa kotse. Sa life insurance po, may return on investment pa rin thru MATURITY BENEFIT, DIVIDENDS, and CASH BONUSES of the plan pagkaraan ng taon.
Kapag pre-terminated po ang inyong plan within two years, wala pong makukuha dahil wala pa po tong Cash Surrender Value, yan po ay nakapaloob sa Life Insurance Contract, as approved by the Insurance Commission (IC). Pang-long term po talaga ang life insurance policy.
Pwede ko po ba muna ipa stop ung insurance ng aking anak
We do not encourage you to cancel your insurance policies dahil FORCED SAVINGS at PROTECTION FOR THE FAMILY po ito. Kahit isang monthly premium pa lang ang nahulog, ibibigay na po sa beneficiaries ang buong Face Amount (accidental death & killed-in-action benefit). May DIVIDENDS, CASH BONUS (if any), at MATURITY BENEFIT pong makukuha pagkaraan ng taon. If the policy is pre-terminated within two years, wala pong makukuha alinsunod sa Policy Contract dahil pang-long-term po ang insurance policy.
Dennis verdida
Nakapaloob po sa Life Insurance Policy Contract ang tinatawag na CASH SURRENDER VALUES kung isu-surrender o ipa-cancel ninyo na ang inyong life insurance policy. May kaukulang Rate per Thousand po nakalagay per Policy Year.
Based on the insurance contract provisions, wala pong makukuha sa first two years ng plan. Pang-long term po ang life insurance kung saan may makukuha kayong Yearly Dividends, 20% Cash Bonus (if any), at 100% Maturity Benefit pagdaan ng taon. Kahit isang monthly premium pa lang ang nabayad, ibibigay na po ang buong Face Amount sa beneficiaries kung may nangyari sa member-insured.
Gusto ko sana ipacancel ang memberships ko at insurance? Anong po ang mga requirements?
BASHARY MULOK Magpunta na lang po sa pinakamalapit na branch office dala ang inyong latest payslip at service ID. Salamat po!
goodday, nagpa member ako ng E56 since 2012 or 2013, ang kaltas sakin is P855 pesos something, then naging P1600 nung nag double ang salary. Ngayon 2023 nag decide ako na e-cancel ang E-56, my tanong lang ako
1. BAKIT ANG NATANGAP KO NA IS JUST AROUND 30K PLUS LANG.
2. BAKIT DI KO NAKUHA ANG BUONG HULOG SA HABA NG KALTAS SAKIN.
3.ANUNG COMPUTATION PO NAGAWA BAKIT 30K PLUS LANG NAKUHA KO EH KUNG TUTOUSIN NASA 100K PLUS NA DAPAT ANG NAHULOG KO SA E56
Tanung ko lng po, dati pong sundalo ang tatay ko from 1981-1991 ..my nakita akong insurance policy nya.. Nkalagay dun date 1984 may nakita dn aong payslip n kinakaltasan xa ng mbai until 1991..mkakakuha b ng benefits ang tatay ko, khit nwala xa s serbisyo..
Quelin Palmaira Based on our records of your approved E-56 Cash Surrender Value, P73,219.53 po ang inyong Net Proceeds. For clarification, mag-Chat lang po sa Customer Service at m.me/AFPMBAIOfficial. Binabawas po ang Policy Loan sa available CSV ng policy. Salamat po!
Hilario platon Kung retired na po ang father ninyo noong 1991, terminated na po ang kanyang Basic Insurance Plan at nabigay na ang kanyang Termination Benefit. For complete verification, mag-Chat na lang po sa AFPMBAI Customer Service at m.me/AFPMBAIOfficial at pakibigay ang full name, rank, branch of service, at birthday ng inyong father. Salamat po!
Article is closed for comments.